oh my gulalay! ang gundah ng araw na itu! as in talaga! pano ba naman kasi, pupunta akong mag-isa sa divisoria.. TAKE NOTE: AKO LANG MAG-ISA, WALNG IBANG KASAMA KUNDI KALULUWA, KATAWAN AT BAG KO LANG.. bwahahahahahahhaaha!!
sa kabila ng realisasyong yun, malungkot ako, dahil hindi ako makakapanood ng finals ng declamation ng aking mahal na bestfriend na si marie ann.. aaaawwwwwww (hala! aso?!).. :( nakakabanas talaga.. nung elimination, hindi rin ako nakapanood sa kanya, tapos ngayon, hindi na naman ako makakapanood?!!! arrrgggghhh! asarol talaga! bakit kasi ngayon pa tyumempo yang declamation nya??!! nakakabuwisit..
haaay, ano pa nga bang magagawa ko kundi gawin ang aking responsibilidad bilang organizer ng speech choir na yan.. ayun, nakarating naman ako ng maluwalhati sa divisoria, kahit hinahabol ko ang oras dahil baka ma-late ako sa aming klase..
nakaka-enjoy naman palang mamili kahit mag-isa ka lang.. nkakabagot nga lang kasi pag traffic (kagaya kanina, traffic sa tapat ng US Embassy dahil may mga pasaway na nagra-rally ata) wala kang ka-tsismisan.. very thankful ako kay God hindi dahil sa ligtas akong nakauwi ng bahay kundi dahil (medyo) nagkasya ang fund namin para sa speech choir.. isipin mo, 600 plus lang yun pero nakabili kami ng 2 dosenang stockings (na worth 400 pesos), 7 tumpok ng garter (na 20 pesos per tumpok), at 2 yarda ng tela (na worth 18 pesos per yard).. ang tibay!! ang nakakatuwang part dun ay yung price ng stockings dahil pumapatak lang ng 17 pesos per stocking ang nabili namin.. nakahanap ako ng suki! hehe! ang bait talaga ng manang na yun.. nakakatuwa talaga siya.. sana lang lalo pang dumami ang mga suki niya.. :)
ngayon ko lang nalaman na kaya ko na palang makipag-commnicate sa ibang tao ngayon.. dati, hindi ko yun nagagawa lalo na pag wala akong kasama, pero ngayon nagagawa ko na.. :) masaya pala pag nakikipag-usap ka sa mga taong hindi mo ini-expect na makausap.. ang sarap ng feeling..
pag dating ko sa school, nalaman ko na DECLAIMER OF THE YEAR si marie!!! woooooohhhhhhooooooo!!!! this will call for a celebration!!!! yesss! ang saya!!! kaso malungkot ako, dahil hindi ko man lang siya napanood mag-declaim.. nakakalungkot talaga.. :( hmmf! pero ayos lang! ang importante dun, nanalo siya..
sa mga oras na to, which is 7:18 in the evening, mag-isa ako sa bahay, naga-update ng blog at nakikinig ng mga paborito kong kanta.. may namimiss akong tao dahi ilang araw ko na siyang hindi nakikita.. ewan ko ba, sa tuwing sumasagi siya sa isip ko, hindi ko na kayang gawin ang mga bagay na dapat na kong gawin dahil i really miss that person sooooo much.. kumbaga, im missing that person like crazy! yah, totoo yun.. sana makita ko na siya ulit dahil sa kanya lang ako kumukuha ng strength at inspiration pag nasa school na ko.. pero kailangan kong masanay na wala siya sa tabi ko dahil in due time, magkakahiwalay din kami..
hhmmmm... ano pa bang puwedeng i-share??!! wala na yata eh.. ang weird lang coz nagpapakahirap akong mag-type at ayusin ang blog ko pero wala namang bumibisita.. ok lang.. there will always be a next time.. pero wag sanang magtagal.... hehe!
| lost_in_earth ( |
..wAla LanG, sHaRe Ko lANg..
- Post a new comment
- 0 comments
- Post a new comment
- 0 comments